Target ng Department of Health (DOH) na magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga direct contributor ng PhilHealth sa ilalim ng zero-balance billing program.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, pinag-aaralan ng ahensya ang paglalaan ng espesyal na lugar sa mga ospital ng DOH para sa mga direct contributor na mag-a-avail ng zero-balance billing.
Layunin nitong mabigyan sila ng hiwalay at mas maayos na akomodasyon sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa mga pribadong kuwarto sa halip na sa karaniwang ward lamang.
Giit ng kalihim, ito ay tugon sa mga panawagan ng mga direct contributor ng PhilHealth na mabigyan sila ng dagdag na benepisyo kumpara sa mga indirect contributor.