Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng TESDA Skills Passport Mobile Application, na nagsilbing una niyang pagharap sa isang pampublikong aktibidad sa labas ng Malakanyang matapos siyang maospital dahil sa diverticulitis.
Ang mobile application ay isang bagong digital na kasangkapan na layong gawing mas madaling ma-access ng mga Pilipino ang technical education, skills training, at mga oportunidad sa trabaho.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang TESDA Skills Passport Mobile App ay magsisilbing job portal na mag-uugnay sa mga TESDA-certified na indibidwal sa mga employer at industry partners sa buong bansa.