Photo courtesy of PNA
DYARYO TIRADA

Pagawaan ng pekeng sigarilyo, posibleng politiko ang nasa likod -DILG

Michael Pingol

Kinumpirma ni DILG Jonvic Remulla na may mga politikong na nasa likod ng iligal na pagawaan ng sigarilyo sa Pampanga.

Sa kanyang inspeksyon sa Mexico, Pampanga sinabi ni Remulla na dalawang politiko sa Northern Luzon ang hinihinalang mastermind o financier sa pagawaan ng sigarilyo.

Hindi naman tinukoy ni Remulla kung sino ang mga naturang pulitiko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Maliban sa smuggling, kakasuhan din ng human trafficking ang incorporators ng pabrika dahil sa sapilitang pagtatrabaho sa mahigit 60 pilipino na nasagip sa operasyon.

Nabatid ang pagsalakay sa pabrika noong 28 Enero at nagresulta ito sa pagkaaresto sa anim na tsino.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ang mga tatak ng sigarilyong na natagpuan sa bodega ay kahalintulad ng mga nasamsam ng highway patrol group mula sa 14 na trailer truck sa Balete Batangas noong 31 Desyembre noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P1.1B at ang operasyon naman noong 1 Enero 2026 sa Malabon.