Police recover the decomposing body of an 8-year-old boy in a Tarlac farm, days after his police-officer mother was found slain in Bulacan. 
DYARYO TIRADA

Mga suspek sa pagpatay sa isang pulis at anak nito, arestado na

Michael Pingol

Arestado ang tatlong suspek na iniuugnay sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa kanyang anak na si John Ysmael Mollenido.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nadakip ang mga suspek noong Biyernes ng gabi sa isang bahay sa Quezon City.

Narekober mula sa isa sa mga suspek ang cellphone ng babaeng biktima, habang natagpuan naman sa Pampanga ang SUV na pinaniniwalaang ginamit sa pagdadala ng mga bangkay ng mag-ina.

Unang iniulat na nawawala ang mag-ina noong ika-19 ng Enero at huling nakita sa Novaliches, Quezon City. Noong ika-24 ng Enero, natagpuan ang bangkay ni Mollenido sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo. Samantala, nadiskubre naman ang katawan ng kanyang anak sa isang taniman ng kalamansi sa Tarlac.