FDA of the USA warns that Cheerios, Skittles, Pringles, and more may be contaminated by bird and rodent waste. Banner for Daily Tribune images.
DYARYO TIRADA

Libu-libong produktong pagkain ng USA, na-recall dahil sa dumi ng daga at ibon

Amelia Clarissa de Luna Monasterial

Halos 2,000 produkto, kabilang ang mga sikat na pagkain tulad ng Cheerios, Skittles, Pringles, at Nutella, ay na-recall dahil sa kontaminasyon ng dumi ng daga at ibon, ayon sa U.S. Food and Drug Administration (FDA). Ayon sa ulat, mayroong “presence of rodent excreta, rodent urine, and bird droppings in areas where medical devices, drugs, human food, pet food, and cosmetic products were held.”

Ang Gold Star Distribution, Inc. sa Minnesota ang nag-umpisa ng recall noong nakaraang buwan, at noong 22 Enero 2026, itinaas ng FDA ang recall sa Class II designation. Nangangahulugan ito na ang pagkain o paggamit ng mga apektadong produkto “may cause temporary or medically reversible adverse health consequences or where the probability of serious adverse health consequences is remote.” Wala pang naiulat na kaso ng sakit.

Ang mga apektadong produkto ay naipamahagi sa mga tindahan sa Indiana, Minnesota, at North Dakota. Kabilang sa mga sikat na snack at candy:

  • Jif Crunchy Peanut Butter

  • Nutella

  • Skittles

  • Snickers

  • Twix

  • Haribo Gummy Bears

  • Pringles

  • Takis

Mga breakfast item at sangkap na apektado:

  • Kellogg’s Rice Krispies Cereal

  • Cheerios

  • Quaker Corn Meal

  • Special K Cereal

  • Lucky Charms Cereal

Kasama rin sa recall ang mga inumin tulad ng Gatorade, Coca-Cola, Smart Water, at Arizona Iced Teas. Ang mga produktong medikal na na-recall ay Halls Defense Vitamin C drops, Mentos Gum with Vitamins (Citrus flavor), Advil, Tylenol, Excedrin, at Benadryl.

Ayon sa FDA, ang mga daga ay maaaring magdala ng Leptospira, bacteria na nagdudulot ng leptospirosis, at maaaring makontamina rin ng Salmonella ang mga produkto. Ang sintomas ng salmonella ay karaniwang lumalabas 6 na oras hanggang 6 na araw pagkatapos makonsumo ang kontaminadong pagkain at maaaring tumagal ng 4 hanggang 7 araw. Kabilang sa mga sintomas ang pagtatae, lagnat at panginginig, pananakit ng tiyan, pagsusuka, pananakit ng ulo, at dehydration. Sa malubhang kaso, maaaring kumalat sa dugo (bacteremia), magdulot ng pananakit at pamamaga ng kasu-kasuan, o impeksyon sa ibang organo.

Mas mataas ang panganib sa: sanggol at maliliit na bata, matatanda sa edad 65 pataas, buntis, at mga taong may mahina ang immune system. Dapat agad kumonsulta sa doktor kung may matinding pagtatae, dugo sa dumi, mataas na lagnat, matinding pananakit ng tiyan, o palatandaan ng dehydration.

Ano ang dapat gawin:

  1. Sirain at itapon agad ang mga apektadong produkto; huwag ibalik sa Gold Star Distribution.

  2. Humingi ng refund kung kinakailangan.

  3. Kumonsulta sa doktor o beterinaryo kung ang tao o alagang hayop ay nakonsumo ng mga produkto.

Para sa kumpletong listahan ng mga produkto at tindahan, bisitahin ang FDA recall notice.