Plano ng Malacañang na isampa sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng pekeng medical documents na iniuugnay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, muling iginiit na peke ang naturang dokumento at nilinaw na ang videong inilabas ng Palasyo na nagpapakitang maayos ang kalagayan ng pangulo ay hindi gawa ng artificial intelligence (AI) o inedit.
Dagdag pa ni Castro, hindi tama ang ganitong uri ng paninira laban sa pangulo kaya’t nakatakda nilang ireklamo ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng dokumento.