NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 mangingisda nang bumangga ang kanilang fishing banca sa isang LPG tanker sa waters ng Barangay Lamao, Limay, Bataan, noong 23 January 2026. PCG
DYARYO TIRADA

13 mangingisda nailigtas sa banggaan ng banca at tanker sa Limay

Jonas Reyes

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 mangingisda matapos bumangga ang kanilang fishing banca sa isang LPG tanker sa waters ng Barangay Lamao, Limay, Bataan, noong 23 January 2026.

Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa banggaan sa pagitan ng LPGC SL Bisugo at FBca Jun-Jun, isang fishing banca na may 13 crew members.

Agad na rumesponde ang Coast Guard Station Bataan, katuwang ang Special Operations Unit (SOU) Bataan at Limay Bantay Dagat, para isagawa ang search and rescue operations.

Pagdating sa lugar ng insidente, tinulungan ng Coast Guard personnel ang ligtas na paglilipat ng 13 mangingisda papunta sa pampang ng Barangay Lamao.

Dinala ang mga nailigtas sa Barangay Lamao Rural Health Unit para sa medical evaluation, kung saan lahat ay na-assess na nasa maayos na kalagayan.

Pansamantalang inakomodate ang mga mangingisda sa Coast Guard Sub-Station Limay habang hinihintay ang kanilang mga pamilya.