MAG-ASAWA, kinumpirmang patay matapos ang sunog sa Barangay Tejeros. Daily Tribune images.
DYARYO TIRADA

Matandang mag-asawa, nasawi sa sunog sa Makati

Gwen Bergado

Nasawi ang isang mag-asawa matapos masunog ang isang residential area sa Barangay Tejeros, Makati City, madaling-araw nitong Sabado, 24 Enero 2026,

Kinumpirma ni Makati Mayor Nancy Binay ang pagkamatay ng matandang mag-asawa, ayon sa mga ulat.

Sumiklab ang sunog bandang 2:06 ng madaling-araw sa Butate Street at itinaas sa third alarm dakong 2:35 ng umaga. Idineklarang under control ang apoy 4:26 ng madaling-araw.

Tuluyang idineklarang fire out ang sunog bandang 6:40 ng umaga.

Anim na katao — apat na babae at dalawang lalaki — ang nasugatan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at kung may iba pang nasawi.