PANGULO Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., pansamantalang nagpa-ospital dahil sa diverticulitis. Daily Tribune images.
DYARYO TIRADA

PBBM sumailalim sa medical observation

Michael Pingol

Sumailalim sa magdamag na medical observation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makaranas ng bahagyang discomfort, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Officer Undersecretary Claire Castro na ang hakbang ay isang precautionary measure lamang at bahagi ng payo ng mga doktor ng pangulo. Pinayuhan si Marcos na magpahinga at sumailalim muna sa monitoring bilang pag-iingat.

Ayon sa Malacañang, nananatiling stable ang kondisyon ng pangulo at wala umanong dapat ipag-alala. Matapos ang obserbasyon, agad ding nakabalik sa trabaho si Marcos at kasalukuyang nasa Malacañang.

Kinumpirma naman na ang naranasan ng pangulo ay diverticulitis, isang kondisyon kung saan ang small pouches ng colon ay maaaring mamaga o malalinan na nagdudulot ng discomfort. Hindi naman ito gaano kalala, at nagagamot sa pahinga.