DYARYO TIRADA

Julia Barretto, ‘pinagnanasaan’ si Liza Soberano

Alwyn Ignacio

Totoo nga ba ang chika at walang halong kiyeme latik na ang starlet na si Julia Barretto eh may ‘pagnanasa’ sa kapwa niya startlet na si  Liza Sobersano?

Juice colored! Anong kaguluhan at paandar ito? Bagsak presyo na ba sa talipapa ang tahong, talaba, tilapia at tulya kaya may emeng pangmalakasan si pretty miss Barretto?

Ayon sa mga dalahira at katkaterang totoo, bet na bet ni Barretto na makasama Liza Soberano sa isang Girls Love(GL) project.

Dagdag naman mula sa pangkat hitad, may paniniwala at pananalig si Julia na malaki ang potensyal ng ganitong tema ng proyekto dito sa atin at alam rin nito na kahit sa ibang bansa, buhay na buhay ang mga GL project at may mga sumusubaybay at sumusuporta sa ganitong klaseng pelikula.

Bukas na aklat ang paghahangad at pangarap ng babaing minsan ang  minahal ay si Gerald Anderson na gusto niyang makatrabaho si Liza sa proyekto na gaya nito.

Naku, naku, naku, kung saka-sakaling matutuloy and JuLLiz GL, maki-sosyo kaya sa produskyon ang isang fast food chain na “finger lickin’ good” ang pamosong copy? Ay! Ang savage! Hahahahaha.

Kung hindi raw pwede si Liza, okay rin kay Julia na makasama sa isang GL project  ang mommy dearest na sina Lovi Poe at si Jasmine Curtis-Smith naging bida na sa tomboyan movies, not once, but twice. Ang mga pamagat nito ay “Baka Bukas” at “Open Endings.”

Ang ilang reaksyon ng mga netizen sa JulLiza possible pompyangan project ay:

“Boys will be going crazy”

“Sana mangyari na talaga kasi malaki potential ng Pinas sa GL.”

“Two of the most beautiful faces in the Philippines ”

“OMG?! why not haha”

Kayo my dear Chika Diva readers, spin a win, tuloy or tigil,  o deal or no deal ang iyong reaksyon sa pangarap at paghahangad na ito ni Julia Barretto?