DYARYO TIRADA

Juliana Gomez, mommy’s girl

Alwyn Ignacio

Sa mga sosyalin at yayamanin, “mommy’s girl” o kaya  “mama’s girl” ang turing kay Juliana Gomez, nag-iisang anak nina Lucy Torres-Gomez at Ricard Gomez.

Para sa mga sumusubaybay sa mga bida sa House of Gomez, ang butihing ama ni bininbining Gomez, ang tawag dati ay Brown Adonis ng Pilipinas. Si Goma ay matangkad, kayumanggi at magandang lalaki.  Kaya nga sa drama-ramang naglalakad habang magkahawak kamay sina Juliana at basketball player, underwear model at aktor-aktoran na si Ricci Rivero, alam na alam na kung bakit may ganitong kaganapan.  Sa mga dalahira at katkatera,  mana lamang sa ina niya si Gomez.

Matangkad si Rivero.  Ganun rin ang Papa Richard.  Matipuno at matikas si Ricci, at alam nating lahat na kahit tila duma-dad bod na ang Gomez patriarch, yummy daddy ito, huh! At palaban rin si Rivero at talaga namang sexy pag ang tanging saplot lamang ay underwear.  Ang ama ni Juliana ang nagpasikat sa isang local underwear brand.

Kaya kahit pa nga noong holiday season ay may video sina Juliana at Ricci na magka-holding hands sa loob ng isang mall at kamakailan lang  ay may sighting na naman ang dalawa na  video-documented siyempre pa na galing sa isang cellphone or gadget shop, totoong-totoo at walang halong kiyeme latik tulad ni Mommy Lucy, tall, dark at handsome ang tipong lalaki ni pretty miss Gomez.

Dapat bang kabahan si Papa Richard sa pagiging malapit ng kanyang unica hija kay young master Rivero?  Ang mga dating kasintahan ni Ricci, na bukas na aklat naman ay sina Andrea Brillates at Leren Bautista na talaga namang nung naka-relasyon niya, ang mga video, photo posts na kasama niya ang mga ito ay pangmalakasan.

At mas malala ang tiktak ng chika nung nauwi sa paghihiwalay ng de kolor at puti ang relasyon ni Rivero kina Blythe at Bautista.

Ngayong si Gomez na ang tila sinisinta ni Rivero, ang balana, dabarkads at madlang pipol, abang na abang sa pag-amin ni Ricci sa bago niyang relasyon. Si Rivero kasi, sa mga nakalipas niyang di na maaring balikan, lagi itong nagpapaka-totoo at nagpapakalalaki talaga sa pagtatapat sa lahat kung sino ang kanyang ka-relasyon at ipinngangalandakan niya ito dito, doon at kung saan-saan.

Sa kasalukuyan, kapakinabangan ng alinlangan muna ang igagawad ko kay Ricci Rivero dahil hindi makatwiran na siya ay ating husgahan dahil lamang sa kanyang mga karanasan sa pakikipag-relasyon. Malay mo, malay ko, malay nating lahat, na ito palang si Juliana ay hindi lang pang ngayon at bukas, palagi na niya pala ito, huh.