Mahigit 1,700 pasahero, drayber, at cargo helpers ang naipit sa 166 na pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ada.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabilang din sa mga naapektuhan ng bagyo ang 573 rolling cargo at 11 iba pang sasakyang pandagat. Mayroon ding 11 barko na pansamantalang sumilong sa mga pantalan bilang pag-iingat laban sa malalakas na alon at hangin
Pinaalalahanan naman ng PCG ang publiko na makipag-ugnayan muna sa mga awtoridad at alamin ang lagay ng panahon at biyahe bago magtungo sa mga pantalan o bumiyahe.