Isinasaalang-alang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng hanggang P10 milyon na pabuya para sa impormasyong magtuturo sa agarang pag-aresto sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, pinag-uusapan pa ng ahensya ang pinal na halaga ng reward. Layunin umano nito na mahikayat ang publiko na magbigay ng mahahalagang impormasyon at upang mapuwersa si Atong Ang na kusang sumuko sa mga awtoridad.
Batay sa patuloy na monitoring ng ahensya, nananatili pa rin umano si Ang sa loob ng Pilipinas.
Si Atong Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, at kidnapping with homicide kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.