BINAKUNAHAN ang isang penguin sa Paris Zoological Park laban sa bird flu. Larawan mula sa AFP.
DYARYO TIRADA

Kaso ng super flu sa bansa, umabot na sa 63

Michael Pingol

Umakyat na sa 63 ang naitalang kaso ng tinatawag na super flu sa bansa, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Assistant Secretary Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, naitala ang bilang noong Disyembre, ngunit karamihan ng mga pasyente ay gumaling na.

Nilinaw ni Domingo na hindi ito bagong sakit kundi isang variant lamang ng influenza, o mas kilala bilang trangkaso.

Posibleng magpatuloy ang pagkalat ng super flu hanggang Pebrero at kasalukuyang nakaapekto na sa maraming Pilipino. Kasabay nito, kumakalat na rin ang variant sa 34 na bansa, kabilang ang Estados Unidos.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), umabot na sa pinakamataas na antas ang mga kaso ng respiratory illness na dulot ng trangkaso sa Amerika, na nagpapakita ng global na panganib ng sakit.