Isang bancang de motor na may lulang 50 pasahero ang nasagip pagkatapos magkaproblema ang makina sa may katubigan ng Brgy. Bachao Ibaba, Gasan, Marinduque, tanghali ng 9 Enero 2026.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ang MBCA Emarsan ay may lulang 50 pasahero at 250 na sako ng bigas nang mangyari ang insidente.
Bineripika at rumesponde and PCG nung mapatunayan na nagkaroon nga ng problema ang naturang makina ng banca na papunta sana ng Gasan Pier.
Bilang tugon, rumesponde ang rescue team kasama ang isa pang motorbanca at tumungo sa nasabing lugar. Nailigtas naman ang mga pasahero at kargamento, habang hinatak naman ang MBCA Emarsan patungong Gasan Port.
Isang pang motorbanca ang sumama sa operasyon bilang dagdag puwersa sa pagligtas sa naturang insidente.
Ayon sa PCG, "All passengers were confirmed safe and in good condition, and the cargo remained intact."
Dagdag aniya na ang kapitan ng banca ang nagkumprima na nasira nga ang makina dahil sa nasunog na clutch lining, na nagresulta sa kawalan ng puwersa.
Patuloy ang PCG sa pagbantay sa katubigan ng Pilipinas, sinisiguro ang proteksyon ng pasahero, kargamento, at mga banca na naglalayag dito.