SAKSI photographer Itoh Son pumanaw habang nagsasagawa ng coverage sa Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila. Photo courtesy of Son's Facebook account.
DYARYO TIRADA

Tabloid photojournalist, nasawi sa coverage ng Traslacion

Michael Pingol

Pumanaw ang tabloid photojournalist na si Itoh Son habang nagsasagawa ng coverage sa Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Batay sa inisyal na ulat, inatake sa puso si Son, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa edad na 55.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, bigla na lamang bumagsak si Son habang nakatayo malapit sa Manila Police District Station 5 bandang alas-tres ng madaling araw.

Agad siyang isinugod sa Andres Bonifacio Memorial Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa mga kasamahan nito, ilang araw nang may flu si Son ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pagtatrabaho at aktibong nag-cover bago ang Traslacion, kabilang ang tradisyunal na pahalik.