LIBO-LIBONG deboto ang nagtipon at sumunod sa Poong Hesus Nazareno papuntang Quiapo Church. Larawan ni John Carlo Magallon para sa Daily Tribune images.
DYARYO TIRADA

Mga deboto, patuloy ang pagdagsa sa Traslacion

Michael Pingol

Patuloy ang pagdagsa ng mga deboto sa paligid ng Quiapo Church habang papalapit ang andas ng Poong Hesus Nazareno.

Bandang alas-una ng hapon, tinatayang umabot na sa humigit-kumulang 35,000 ang bilang ng mga debotong nasa paligid ng Quiapo. Sa kasalukuyan, nasa bahagi na ng Carlos Palanca ang andas, kung saan tinatayang aabot sa 187,000 ang kabuuang bilang ng mga debotong nagtipon.

Samantala, nananatiling nakaantabay ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine National Police, at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa gitna ng Traslacion.