ILEGAL na droga na nagkakahalagang P2.2 milyon at samu’t saring baril ang nakumpiska sa isang police operation sa Barangay East Bajac Bajac, Olongapo City, Zambales noong 08 January 2026. Photo from PRO3
DYARYO TIRADA

Droga at baril nasamsam sa operasyon sa Olongapo

Jonas Reyes

Ilegal na droga na nagkakahalagang P2.2 milyon at samu’t saring baril ang nakumpiska sa isang police operation na isinagawa sa Barangay East Bajac Bajac noong 08 January 2026.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), ang operasyon ay isang Enhanced Managing Police Operations (EMPO) na isinagawa batay sa utos ng korte.

Dagdag ng PRO3, bukod sa P2.2 milyong halaga ng ilegal na droga, nasamsam din ang dalawang hindi rehistradong baril, isang granada, at samu’t saring bala.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng operasyon.

Ayon kay PRO3 Regional Director Ponce Rogelio I. Peñones Jr., bahagi umano ang operasyon ng patuloy na pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa Central Luzon.

Sinabi rin niya na umaayon ito sa Focused Agenda ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ni Acting Chief PNP Jose Melencio C. Nartatez Jr.