Ang mga tunay na babae, baklang nagpa-opera para maging bebot, berdaderong bekibel, at mga lalaking nagnanasa at nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki ay happy fiesta ang pakiramdam kasi nga ang aktor na si Jeremiah Lisbo, hubad barong katawan ang ibinalandra sa kanyang mga bagong larawan.
Bagong taong biyaya at regalong tunay ang kay kinis na body reveal ni Lisbo at sa apat na larawang pinagpapasahan sa social media at tiyak na pinagnanasaan ng mga maricon at hitad, eh mga patotoo na si Lisbo ay “too sexy for his shirt” at parang ready na itong sumabak sa mature roles, huh.
Sa true lang, pang leading man talaga si Miah at marami pa rin ang nanalig nasiya ang tunay na bagay-bagay kay Belle Mariano. Siya kasi ang unang kapareha ni pretty miss Mariano bago pa ito naging manufactured ka-love team ni Donny Pangilinan.
Nung panahong palagiang 3rd angle of the love triangle si Lisbo sa DonBelle, mas masigla at maigting ang kumpetisyon sa pagitan ng mga binatang nararahuyo sa alindog at ganda ni Mariano, hindi ba naman.
Pang character at supporting na mga katauhan ang binibigyang buhay ni Lisbo. Ang huli niyang proyekto sa telebisyon ay bilang si Lucas Delgado sa “Sins of the Father” at sa pelikula naman, bilang Carlo sa “My Love Will Make You Disappear” kung saan ang mga bida ay sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ang susunod niyang supporting role ay sa “Roja” kung saan siya ay magiging manggagamot ni Maymay Entrata.
Ngayon may pa-hubad barong larawan si Lisbo, pinaala-ala niya sa lahat na pang bida talaga, isang tunay na lalaking makisig, guwapo, panalo ang pangangatawan, matikas at may tindig.
Kaya, naku mga taga-Star Magic at Rise, huwag tutulog-tulog sa pansitan at kangkungan, nasa pangangalaga niyo ang tulad ni Jeremiah Lisbo na tila hindi niyo alam kung ano ang gagawin para mas lalong mag-luningning ang bituin, huh.