DYARYO TIRADA
Balanacan Port sa Mogpog 'barado' pa
Pinakiusapan ng lokal na pamahalaan ng Marinduque ang mga biyaherong nakatakdang lumuwas nitong Sabado na huwag munang magtungo sa Balanacan Port sa Mogpog.
Sa isang Facebook post ng Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi na marami pa ring pasahero ang nasa pantalan at mahaba ang pila ng mga sasakyan, kaya’t inaasahang magkakaroon ng mahabang paghihintay.
Dagdag pa rito, nagkansela na ng ilang biyahe ang Montenegro Shipping Lines dahil sa malalaki at malalakas na hampas ng alon na maaaring magdulot ng panganib sa paglalayag.
Pinayuhan naman ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga susunod na anunsyo at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.