Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Sumabit na paputok sa kable, sanhi ng sunog sa Marikina matapos ang Pasko

Abegail Esquierda · Dec 26, 2025, 10:16 PM

Marikina Filipino - Chinese Fire Brigade Volunteers/Facebook

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa 32nd Avenue, Balubad Settlement Phase II, Barangay Nangka, Marikina City, ngayong gabi, ikaw-26 ng Disyembre.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula bandang 6:30 ng gabi. Ayon sa mga paunang ulat, ang sunog ay sanhi ng paputok na sumabit sa kable. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Nagdeklara ng fire out ang mga bumbero bandang 7:41 ng gabi.