ISANG tiyuhin na may warrant of arrest para sa qualified rape ng menor de edad ay nahuli sa Purok 2, Barangay Dalig, Burgos, Isabela nitong 23 December 2025. Larawan mula sa CIDG.
DYARYO TIRADA

Manyakol na ankol huli sa Burgos, Isabela

Jonas Reyes

Isang tiyuhin ang hinuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela Provincial Field Unit at ng kapulisan sa isinagawang manhunt operation sa Purok 2, Barangay Dalig, Burgos, Isabela nitong 23 Disyembre 2025.

Ayon sa CIDG, ang suspek ay may warrant of arrest for qualified rape of a minor na inisyu ng Ilagan City, Isabela Court noong 18 Disyembre 2025, na walang rekomendasyong bail.

Nakilala ang suspek na si Juan, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar, at tinaguriang Number 1 Regional Most Wanted Person sa rehiyon ng Cagayan Valley.

Sa ulat ng CIDG, hinalay ng suspek ang dalagang kapatid ng kanyang ina, na nasa 12 taong gulang pa lamang, sa nasabing lugar sa Isabela. Pagkatapos ng pang-aabuso, tinakot pa ng suspek ang bata na huwag isumbong ang nangyari.

Matapos magkaroon ng lakas ng loob ang dalaga, isiniwalat niya ang pangyayari sa kanyang ama at nagsampa ng reklamo laban sa kanyang tiyuhin.