TUMAAS ang bilang ng mga dumarating at umaalis sa mga paliparan at pantalan sa bansa habang patuloy ang holiday travel. Photo from NNIC.
DYARYO TIRADA

Mas dumami ang international passengers ngayong Pasko

Michael Pingol

Mas mataas kaysa sa inaasahan ang bilang ng mga international passenger ngayong Kapaskuhan, ayon sa opisyal na ulat ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa datos ng ahensya, umabot sa mahigit 61,000 indibidwal ang dumating sa iba’t ibang international port ng bansa noong 23 Disyembre. Sa naturang petsa, ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lamang ay nakapagtala ng 49,176 international arrivals, ayon sa mga immigration officer doon.

Sa kabuuan, naitala ang 61,658 international arrivals sa buong bansa, habang umabot naman sa 66,655 ang bilang ng mga umalis, base sa opisyal na tala ng international passenger traffic.

Sa kabila ng pagdami ng mga pasahero, nananatiling maayos ang operasyon sa mga pantalan at paliparan, maliban sa ilang pagkakataon na nagkaroon ng mahahabang pila sa immigration processing.

Bilang tugon sa sitwasyon, nagtalaga ang BI ng karagdagang 132 immigration officers sa iba’t ibang panig ng bansa at nag-activate ng mga mobile immigration counter sa mga terminal na may mataas na volume ng pasahero.

Ayon pa sa ahensya, mananatiling naka-alerto ang kanilang mga tauhan hanggang sa unang linggo ng Enero 2026, kung kailan inaasahan ang patuloy na pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa.ang bilang ng mga dumarating at umaalis sa mga paliparan at pantalan sa bansa habang patuloy ang holiday travel.Mas mataas kaysa sa inaasahan ang bilang ng mga international passenger ngayong Kapaskuhan, ayon sa opisyal na ulat ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa datos ng ahensya, umabot sa mahigit 61,000 indibidwal ang dumating sa iba’t ibang international port ng bansa noong Disyembre 23. Sa naturang petsa, ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lamang ay nakapagtala na ng 49,176 international arrivals, ayon sa mga immigration officer doon.

Sa kabuuan, naitala ang 61,658 international arrivals sa buong bansa, habang umabot naman sa 66,655 ang bilang ng mga umalis, base sa opisyal na tala ng international passenger traffic.

Sa kabila ng pagdami ng mga pasahero, nananatiling maayos ang operasyon sa mga pantalan at paliparan, maliban sa ilang pagkakataon na nagkaroon ng mahahabang pila sa immigration processing.

Bilang tugon sa sitwasyon, nagtalaga ang BI ng karagdagang 132 immigration officers sa iba’t ibang panig ng bansa at nag-activate ng mga mobile immigration counter sa mga terminal na may mataas na volume ng pasahero.

Ayon pa sa BI, mananatiling naka-alerto ang ahensya hanggang sa unang linggo ng Enero 2026, kung kailan inaasahan ang patuloy na pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan at paliparan sa buong bansa.