Ibinunyag ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste na maging ang kanyang ina na si Sen. Loren Legarda ay may mga insersyon din sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ni Leviste na hindi lamang ang kanyang ina kundi lahat ng senador ay may kani-kaniyang insersyon.
Batay sa listahang nagmula sa tanggapan ni dating DPWH Undersecretary Ma. Catalina Cabral, iginiit ng kongresista na ang naturang dokumento ay personal na ibinigay sa kanya ni Cabral, na may pahintulot umano ni DPWH Secretary Vince Dizon.
Dagdag pa niya, bukod sa mga senador, kasama rin sa listahan ang matataas na opisyal mula sa Kongreso, mga miyembro ng Gabinete, at ilang undersecretary mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.