DYARYO TIRADA

Higit P1 rollback sa diesel at kerosene, umarangkada na

Michael Pingol

Dalawang araw bago ang Pasko, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng mahigit ₱1 na rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon sa anunsyo ng mga oil companies, bumaba ng ₱1.30 kada litro ang presyo ng diesel, ₱1.60 naman sa kerosene, at ₱0.80 sa gasolina.

Sinabi ng mga kumpanya na ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng sapat na suplay ng krudo at mababang demand sa merkado, gayundin ng bagong kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.