Until now ay hindi pa rin pala tapos ang issue between Bea Borres at Herlene Budol.
Nag-viral ang dalawa dahil tinanggihan ni Bea ang offer ni Herlene na maging ninang sa binyag ng baby ni Bea
Sa recent episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay nag-react si Herlene Budol tungkol sa issue.
“Puno na raw ang listahan n'ya. Ako naman eh naapektuhan lang ako noong nagkukuwentuhan kami na parang gusto kong mag-ninang hindi dahil sobrang close namin. Gusto kong mag-ninang kasi parang kulang siya ng protector," say ni Herlene.
Ang pagdidiin ni Herlene, hindi siya nasaktan sa pagtanggi ni Bea kundi napahiya siya dahil sa pangyayari.
“Hindi naman ako nasaktan Tito Boy, napahiya lang ako. Actually hindi ko nga siya naisip eh. Hanggang sa paulit-ulit na lang may nagta-tag sa akin, dapat hindi ka pala nagbo-volunteer kapag mga gano'ng klase ng bagay," paliwanag ng dalaga
Sa kaniyang Facebook account ay sinabi ni Bea Borres na hindi dapat big deal ang issue since hindi naman sila close friend talaga ni Herlene.
“tbh it's not a big deal naman, if you guys didn't watch ate Catherine's vid i delivered it in a very sarcastic way. love ko yan si ate Herlene she's so kind i didn't think she was serious cuz di naman kami close it's just like when I dmed her if we can collab when I was starting palang nung 2022 but i didn't make it a big deal when she just liked my dm,” paliwanag ni Bea.
Takang-taka si Bea kung bakit inis na inis ang netizens sa kaniya dahil ni-reject niya ang offer ni Herlene na maging ninang ng anak niya.
“I dont know why im suddenly so mean sa eyes niyo just because i didnt say yes! anyway, happy holidays.”
Pero nagpasalamat naman siya sa gesture ni Herlene sa kagustuhan nito na maging ninang sa anak niya.
“btw thank you po ate for wanting to protect me and my baby! means a lot hahaha nashyshsy ako mag dm tbh cuz i got the memo already,” say niya.
“halatang mga not sanay sa rejection,” dagdag pa niya.