DYARYO TIRADA
Holiday exodus sa PITX, ramdam ngayong papalapit na Kapaskuhan
Inaasahang lalampas sa tatlong milyong pasahero ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong holiday vacation.
Ayon kay PITX Head of Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador, umabot na sa 186,000 ang naitalang bilang ng mga biyahero sa terminal kahapon pa lamang.
Dagdag pa niya, inaasahang magpapatuloy ang pagdami ng mga pasahero hanggang Disyembre 23, at muling dadami sa Enero 5 habang bumabalik sa Maynila ang mga umuwi sa kani-kanilang probinsya para sa kapaskuhan.