Umabot na sa 87 ang bilang ng mga nasawi sa mga airstrike na isinagawa ng Estados Unidos laban sa mga bangka ng Venezuela sa Caribbean.
Mula nang ilunsad ang “Operation Southern Spear” noong Setyembre, 23 sasakyang pandagat na hinihinalang may kargang ilegal na droga sa Caribbean at silangang bahagi ng Pacific ang pinabagsak ng mga puwersa ng US.
Karamihan sa mga naturang 23 magkakahiwalay na pag-atake ay isinagawa sa karagatang nasasakupan ng Venezuela at Colombia.
Ayon sa US, ang mga sakay ng mga pinatamang bangka ay tinuturing nilang “narco-terrorists.”
Matatandaang nagdeplo na rin ang US ng kanilang warship sa lugar upang higpitan ang pagbabantay at pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon.