The OG Members of The Sexbomb Girls Sexbomb Girls IG
DYARYO TIRADA

Sexbomb Girls, nagbigay saya sa mga fans sa kanilang concert

Michael Pingol

Isang gabi ng walang humpay na sayawan at kantahan para sa mga ‘pinalaki ng Sexbomb’ ang naganap sa Sexbomb Girls reunion concert noong Huwebes sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ipinamalas nila Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Weng Ibarra, at iba pang miyembro ang kanilang natatanging husay sa pagsayaw at pagkanta at sila ay naghatid ng nostalgia sa kanilang mga fans

Ilan sa kanilang hit songs na kinanta ay Di Ko Na Mapipigilan, Bakit Papa at Daisy Siete.

May mga sorpresa rin para sa audience nang makipag-showdown sa sayawan ang EB Babes at ang SexBalls—ang grupo nina Michael V., Ogie Alcasid, Wendell Ramos, at Antonio Aquitania. Lumabas din sina Dingdong Dantes at Art Solinap para mag-perform.

Sumikat ang grupo dahil sa araw-araw nilang paglabas sa isang noontime TV variety show. Kalaunan, bumida rin ang Sexbomb Girls sa afternoon soap na "Daisy Siete" at naging top recording artists.

Kahit nagkanya-kanya ng landas ang mga miyembro ng nasabing grupo, patuloy pa rin silang minamahal ng kanilang fans.

Gaganapin naman ang ikalawang concert ng Sexbomb Girls sa 9 December sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.