Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Region 5, Region 8 posibleng makaranas ng ilang araw na pag-ulan dahil sa LPA

Michael Pingol · Dec 4, 2025, 6:02 PM

Typhoon Carina — Photo courtesy of PAGASA | X

Nagbabadya ang mga serye ng mabibigat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa bagong low pressure area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay maaring magdulot ng malawakang pagbaha ang mga pag-ulan na inaasahang magtatagal sa loob ng ilang araw.

Alinsunod sa December 4 flood advisory ng state weather bureau, maaring makaranas ng mabibigat na pag-ulan ang mga sumusunod na lugar:

Bicol Region -- Catanduanes, Albay, Masbate, Sorsogon

Eastern Visayas -- Leyte, Northern Samar, Biliran, Samar, Southern Leyte, Eastern Samar

Babala ng weather bureau, maaaring aabot hanggang 100mm ang bulto ng ulang babagsak sa mga naturang lugar

Maaari ring magpatuloy ito hanggang sa susunod na tatlong araw, at hindi inaalis ang posibilidad na lalo pang lumawak ang maaapektuhang lugar, tulad ng Negros Island Region at Western Visayas, lalo na pagsapit ng Sabado, Dec. 6.