DYARYO TIRADA
NAIA OFW lounge pinasinayaan
Pormal nang binuksan ang OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan inilipat ito sa mas malaki at mas accessible na lugar.
Matatagpuan ito sa main lobby ng departure area ng paliparan.
Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang pasinaya at nagkaroon ng ceremonial ribbon cutting kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan at si NNIC chairman and CEO Ramon S. Ang.
Ang OFW lounge ang unang pamaskong handog ng pamahalaan sa mga tinaguriang bagong bayani isang makabuluhang patunay na serbisyong may puso ng Marcos Administration sa mga OFW.
Ayon kay Palace spokesperson Claire Castro, ang bagong bukas na lounge ay sumasalamin sa mga pangako ng Pangulo na magbigay ng people centered public service.