DYARYO TIRADA
Alice Guo, ililipat sa Correctional
Natanggap na ng warden ng Pasig City Jain ang commitment para sa paglilipat ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, sinisimulan na ng ahensya ang paghahanda para sa medical at laboratory examination ni Guo, isang karaniwang isinasagawa bago mailipat ang sinumang detainee sa ibang pasilidad.
Kapag natapos na ang medical clearance, agad in isasagawa ang paglilipat sa loob ng linggong ito.
Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang mosyon ng kampo ni Guo na manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory, sa halip na maipadala sa CIW sa Mandaluyong.
Nahahatulan si Guo sa kasong qualified human trafficking, isang non-bailable offense na may mabigat na parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.