DYARYO TIRADA

Kapitan, pinagbabaril habang naka-Facebook live

Michael Pingol

Patay ang isang kapitan matapos itong pagbabarilin habang ito ay naka-live sa Facebook nitong Martes sa Barangay Tres de Mayo, Digos City, Davao del Sur.

Kinilala ang biktima bilang si Oscar “Dodong” Bucol Jr.

Ayon sa pulisya, ang krimen ay naganap bandang 9:00 p.m., binarily ang suspek sa loob ng sarili nitong garahe.

Nakuhanan pa ang ilang bahagi ng insidente habang siya ay kasalukuyang naka-Facebook Live.

Rumesponde ang Digos City Police Station (CPS) sa lugar at nagsagawa ng provincial dragnet operation upang mahuli ang mga salarin sa likod nito.

Mayroon nang mga posibleng persons of interest. Batay ito sa mga indibidwal na dati nang binanggit ng biktima sa kanyang mga naunang social media post.

Magsasagawa ng isang Special Investigation Task Group (SITG) para sa masusi at maayos na imbestigasyon hinggil sa insidente. Aktibong sinusundan ng mga imbestigador at mga intelligence operative ang lahat ng lead, ayon sa pulisya.

Kasalukuyan ding kinokolekta ng mga awtoridad ang lahat ng available na CCTV footage sa paligid ng pinangyarihan ng krimen upang makatulong sa imbestigasyon.

Hinihikayat ng pulisya ang komunidad na makipagtulungan at magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa mabilis na paglutas ng kaso.