(File Photo) Methamphetamine hydrochloride, also known as shabu. 
DYARYO TIRADA

Hinihinalang shabu na may halagang kalahating milyon, nakumpiska sa Antipolo

Michael Pingol

Nasamsam ang mahigit kalahating milyong piso ng hinihinalang shabu mula sa isang tulak ng droga na tinuturing na high-value target sa isang buy-bust operation sa Lungsod ng Antipolo noong Martes ng gabi.

Arestado sa operasyon ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Kuya,” residente ng Barangay San Jose, Lungsod ng Antipolo.

Nahuli ang suspek sa operasyon na isinagawa ng drug enforcement team ng Antipolo Component City Police Station sa Sitio Tagbak, Barangay San Jose, dakong 8:47 ng gabi.

Nasamsam mula sa suspek ang pitong heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may humigit-kumulang 67 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P455,600, kasama ang isang itim na sling bag at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong na sa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.