Daily Tribune

DYARYO TIRADA

PBBM, tututukan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control anomaly

Michael Pingol · Nov 23, 2025, 2:58 PM

PBBM (FILE PHOTO)

Sinigurado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dahil siya mismo ang nanguna at nagpasimula sa kampanya para sa pagpapanagot sa mga sangkot sa pag-abuso sa pondo ng bayan sa maanomalyang flood control projects, siya rin ang magtatapos sa prosesong ito.

Iginiit ng Pangulo na walang sinumang makatatanggap ng espesyal na pagtrato, kabilang na ang mga naisyuhan ng warrant of arrest ng Office of the Ombudsman.

Noong Biyernes, inihayag ng Pangulo na kabilang si dating Rep. Zaldy Co at 17 iba pang opisyal mula sa DPWH at Sunwest Corporation sa mga may inilabas nang warrant of arrest.

Dagdag pa nito, magpapatuloy ang masusing imbestigasyon at pagsasampa ng mga kasong nakabatay sa ebidensiya, at nagpasalamat siya sa pasensya ng publiko habang umuusad ang proseso.

Aniya, hindi ito tsismis o hakahaka—totoo at pormal ang inilabas na arrest warrant.