Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo. Photograph courtesy of FB/Miss Universe Philippines
DYARYO TIRADA

Ahtisa Manalo, 3rd runner-up sa Miss Universe 2025

Michael Pingol

Nag-iwan ng malakas na impresyon si Ahtisa Manalo, pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2025, sa Q&A segment ng kompetisyon.

Sa unang tanong, ibinahagi ni Manalo na hangad niyang maging simbolo ng pag-asa para sa marami. Ikinuwento rin niya na sa edad na sampung taon ay nagsimula na siyang sumali sa mga pageant upang makapag-aral at matulungan ang kanyang pamilya na makaahon sa kahirapan.

Sa Final Q&A, binigyang-diin niya ang patuloy niyang pagtulong sa Alon Akademie at ang kagustuhan niyang suportahan ang mga kabataang Pilipino upang makabangon at maabot ang kanilang mga pangarap.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, itinanghal si Ahtisa Manalo bilang 3rd runner-up sa Miss Universe 2025.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na inirepresenta ni Manalo ang Pilipinas sa international pageant. Noong 2018, lumaban siya sa Miss International 2018 kung saan itinanghal siyang first runner-up. Noong nakaraang taon, sumabak siya sa Miss Cosmo 2024 kung saan nakapasok siya sa Top 10.