Ibinahagi ni Kaye Abad ang kanyang larawan nang sya ay bumisita sa police station upang ireport ang insidente.  Photo from Kaye Abad
DYARYO TIRADA

Kaye Abad, nanakawan ng bag at passport sa America

Abegail Esquierda

Nanakaw mula sa loob ng kotse ang bag na may laman na mga ID at dalawang passport ng aktres na si Kaye Abad sa United States.

Ibinahagi ng aktres sa social media ang insidente, kung saan sinabi niyang ang inaasahan nilang bakasyon kasama ang asawang si Paul Jake at ang kanilang dalawang anak ay nauwi sa pagbisita sa istasyon ng pulis upang i-report ang pangyayari.

Payo tuloy ng aktres, “Huwag iwanan ang bag sa loob ng kotse,” dahil aniya, isang oras lang umano silang nawala para kumain ng tanghalian.

Sa kabila nito, nananatiling positibo si Kaye, at sinabi niyang “I still believe that everything happens for a reason.” Mas mahalaga umano na ligtas ang kanyang buong pamilya. Winakasan niya ang pahayag sa “God is good.”