HUMINGI ng tulong si Jessy sa mga kinauukulan. LARAWAN MULA SA FACEBOOK
DYARYO TIRADA

Jessy Mendiola nabiktima ng AI

Alex Brosas

Hindi rin pala nakaligtas si Jessy Mendiola sa mga biktima ng deep fake.

Itsinika ni Jessy sa finale presscon ng “Sins of the Father” kung paano siya nabiktima through AI (Artificial Intelligence).

"Actually, from Sins of the Father mediacon, ginamit 'yung interview ko. Pinalitan lang 'yung sinasabi ko pero nagaya totally 'yung bukas ng bibig ko. Napalitan ang sinasabi ko pero 'yung boses ko gayang-gaya," kuwento ni Jessy.

Itsinika ni Jessy kung anong klaseng business ang gumamit sa kanya.

"Ano siya, parang online casino site or sonething na ginagamit 'yung mga celebrities para i-promote 'yung business nila," say niya.

With that ay humingi ng tulong si Jessy sa mga kinauukulan.

"Tinulungan ako  ng ABS since  galing sa Sins of the Father 'yung material.  At least kahit pspaano ay na-takedown pero ang daming artista pa rin na nagagamit 'yung ...sila mismo para manloko ng ibang tao. AI is very scary.  Nade-deepfake nila 'yung face ng isang tao para lang sabihin or gawin ang gusto nilang ipakita na hindi naman totoo din," pagtatapos ni Jessy.