Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) nasa 150,00 katao ang tinatayang dumalo kaninang umaga sa ikalawang araw ng Peaceful rally for Transparency ng Iglesia ni Cristo (INC) na ginaganap sa Quirino Grandstand.
Ang nasabing pagtitipon ay bahagi ng tatlong-araw na programa ng INC na layong ipanawagan ang transparency at accountability sa pamahalaan. Ang iba sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon ay mas piniling magpalipas ng gabi sa Luneta dala ang kani-kanilang mga banig at tent.
Noong unang araw, 16 Nobyembre ay umabot ang bilang sa 630,000 ang crowd estimate, na nagpapakita ng kanilang malawakang suporta ng mga miyembro at kaalyado.
Ang naturang rally ay isinagawa dahil sa kontrobersya sa flood control scandal kung saan bilyun-bilyong halaga ang Nawala, at ito ang naging sentro ng panawagan para sa mas malinaw na pamamahala
Nakilahok din ang ilang civic religious groups bilang pakikiisa sa panawagan para sa mas maayos na demokrasya.
Sa 18 Nobyembre ang huling araw ng pagtitipon, at inaasahan na dadaluhan ng mas malaking bilang ng mga tao.