Photo courtesy of Meralco
DYARYO TIRADA

4M Pilipino muling nakakakita ng liwanag matapos bagyo

Michael Pingol

Unti-unti nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na matinding tinamaan ng nagdaang bagyo. Dahil malayo o mapanganib ang ilang lugar, mahigpit na pinaaalalahanan ng Department of Energy (DOE) ang lahat ng linemen, engineers, at mga bayani nating masigasig na nag-aayos upang maibalik sa normal ang kuryente.

Ayon kay Secretary Sharon S. Garin, “Sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos, pinapabilis natin ang pag-restore ng kuryente, kasama ang kaligtasan at mas matibay na sistema bilang pangunahing prayoridad. Ang Energy Family teams natin ay tuloy-tuloy na nagtatrabaho 24/7 dahil sa epekto ng Tino at Uwan.”

Inaasahan na sa mga darating na araw ay tuluyang maibabalik ang kuryente sa lahat ng 4.8 milyong kabahayang naapektuhan ng bagyo, na muling makakakita ng liwanag sa kani-kanilang tahanan.