DYARYO TIRADA

Dela Rosa nagpa-rescue sa SC

Michael Pingol

Humingi ng saklolo si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa para maglabas ng Temporary Restraining Order laban sa implementasyon ng arrest warrant na inilabas sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) at isinampa ito ng senador ang manifestation bilang urgent sa Supreme Court.

Ito ay isang follow-up sa pending petition for certiorari and prohibition na inihain na rin niya at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, laban kay Executive Secretary Lucas Bersamin dahil sa pag-aresto at paglipat kay Duterte sa bansang Netherlands.

Hiniling din ng senador sa SC na gumawa ng judicial notice sa pagsiwalat ni Ombudsman Jesus Remulla na mayroong warrant of arrest na mula sa ICC si Dela Rosa.

Kasama rin na hiniling ng senador na atasan ng SC si Remulla na ipakita at ilabas ang sinasabi niyang arrest warrant mula ICC na nasa kaniyang telepono. Matatandaang si Dela Rosa ay PNP chief noong panahon ni Duterte ng ipatupad ang malawakang war on drugs.