Daily Tribune

ARTS / CULTURE

'Gethsemane'

A poem inspired by Napoleon Abueva's 1955 sculpture 'Judas Kiss.'

Amelia Clarissa de Luna Monasterial · Oct 26, 2025, 1:07 PM

Judas Kiss by Napoleon Abueva at the Ateneo Art Gallery — Photo by Amelia Clarissa de Luna Monasterial

Datapwa't may dilang

Magdadalamhati

Sa bawat lunok at nguya

Dahil laging walang pasabi

Kung ang huling kagat

Ay ang huling tamis.

Pangakong halik ay

Kailangang kilatisin

Dahil kadalasan ay

Ang halik ay alak

Na lasang lasong

Minatamis ng pagtangis.