ANG unang proyekto na gagawin ni Coco sa 2026 ay ang matagumpay na "On The Job" series na papamagatang ‘On The Job: Maghari.’ LARAWAN MULA SA FACEBOOK
DYARYO TIRADA

Coco Martin magbabalik-pelikula

Alex Brosas

Opisyal nang magbabalik ang "FPJ's Batang Quiapo" lead star at Primetime King na si Coco Martin sa paggawa ng action films.

Inanunsiyo ang kanilang pagsasanib-pwersa kamakailan kasama ang bigating producer na si Dondon Monteverde at ang award-winning direktor na si Erik Matti. Kasama sa announcement ang dalawang giant films na pagbibidahan ni Coco sa 2026 at 2027 sa ilalim ng Reality MM Studios.

Ang unang proyekto na gagawin ni Coco sa 2026 ay ang matagumpay na "On The Job" series na papamagatang "On The Job: Maghari." Isa itong prequel na tatalakay sa buhay ni Tatang Mario Maghari na ginampanan ni Joel Torre. 

Sa 2027 naman ay gagawin ni Covo ang "Maypagasa: The Battles of Andres Bonifacio," isang epic historical movie na magpapakita ng pakikibaka at pakikipaglaban ni Gat. Andres Bonifacio sa mga mananakop.

Hindi nahiyang aminin ni Coco na matagal na niyang pinapangarap na maka-collab sina Direk Erik at Dondon. Truth is, pinapanood niya sa Batang Quiapo staff ang crew ng “On the Job” at “Buy Bust.”

“Nag-aabang ako na sana, mapansin nila ako pero hindi nila ako tinatawagan. Dumating na sa pagkakataon na parang tingin ko sa sarili ko, ‘Baka hindi pa ‘ko enough?’ 

“Siguro sa mata ko kaya ko makapag-action, or drama, makaarte ng konti, pero siguro kanya-kanyang panlasa eh, so baka sa panlasa nila Sir Dondon at Direk Erik, baka hindi pa ‘ko enough,” chika ni Coco.

Kaya nang mag-inquire sina direk Erik at Sir Dondon about a possible meeting ay hindi na ito pinalampas ni Coco.

“Kinilabutan na ‘ko. Kasi, ang tagal kong hinintay ito. Ang tagal kong pinangarap na makatrabaho sila," say ng Primetime King.

“May mga projects sila na gustong i-pitch na iba. Pero habang nagkukuwentuhan kami, sinabi ko ‘Sir Dondon, ang tagal kong hinintay na tawagan niyo ako eh. Kasi sobra akong fan ng ‘OTJ’ at ‘Buy Bust.’ Habang nagkukuwento ako, nakikita niya na ‘may project kami eh, may ‘OTJ’ kaming gagawin.’ Nakikita siguro ni Sir Dondon na ‘pwede siya, pwede siya eh,’” chika ni Coco.

After the initial meeting ay nasundan pa ito. 

“Every week, nagmi-meeting kami. Every time nagmi-meeting kami, nade-develop nang nade-develop ‘yung project. After that, inisip na namin kung paano palalakihin ‘yung project hindi lang para sa Pilipinas kung ‘di global, paano natin ipiprisinta ‘yung gawang Pilipino," dagdag na kuwento ni Coco.

Ikinuwento ni Coco na noong bata siya ay madalas siyang ma-bully at mapagtripan.  Later on, na-realize niyang ito ang susi niya sa paggawa ng action series sa television.

"Noong una, gusto kong maging Christopher de Leon kasi madrama ang buhay ko. Yung mga ginawa kong drama, mataas naman ang rating pero yung mga ginawa kong action series tulad ng "Ang Probinsyano" ay mas mataas ang rating.