Tila hindi marunong magtanda ang Kapuso starlet na si Shuvee Etrata.
Sa kanta kasing latest Tiktok Live ay muling maririnig ang kanegagan ng kontrobersyal na Ex-PBB Collab star. As usual, nagpatutsada siya, bagay na hindi na naman nagustuhan ng netizens kaya muli sitang binash.
In bad taste kasi ang aria ni Shuvee na tila nanalangin gamit ang pangalan ni Lord upang magbiro laban sa mga bashers niya.
“Lord, yung mga na-demonyo na nanonood ngayon (sa aking Live), Lord please iligpit mo na sila.”
'Yan ang nakakalokang sabi ng Kapuso starlet na ikinagalit ng ilang netizens.
"Grabe pala mag alaga ang gma sa mga starlet nila makamandag nakiki evil eye pa dyusme."
"How i wish your management is not bias but kind. Lol."
"Di na yan makakabalik sa showtime."
"Isa siyang influencer dapat magpakita siya ng magandang image lalo na kilala siya."
"walang character development."
Meron namang nagtanggol sa Kapuso starlet.
"Ng mamalinis Nman Ang iba aminin natin pag may di Tayo gusto ginasabihan natin sana mamatay na Siya or kayo di ba mas ma lala."
"So kaayo ok lang Pag sa kanya Hindi, simula sapul kaayo ng babash sa kanya , so expected pag binalikan kaayo todo galit."
Negang-nega ang dating ngayon ni Shuvee ba feeling sikat siguro kaya kung anu-ano ang sinasabi sa social media.
Ang dapat gawin ng GMA ay pangaralan ang babaeng ito na hindi naman kagandahan pero kung umarte ay feeling sikat.