Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Surigao del Norte, nakaranas ng lindol

Michael Pingol · Aug 29, 2025, 3:10 PM

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 8 kilometro kanluran ng Burgos, Surigao del Norte.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na lalim na 21km naitala naman hanggang intensity 3 sa Hinunangan sa Southern Leyte, wala naman inaasahang aftershocks.