Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Vice Mayor ng Aklan, pinagbabaril sa loob ng munisipyo

Michael Pingol · Aug 8, 2025, 3:43 PM

Walang habas na pinagbabaril si Vice Mayor Julio Estolloso ng Ibajay, Aklan sa loob mismo ng kanyang opisina sa munisipyo kaninang umaga.

Base sa inisyal na impormasyon, isang miyembro ng Sangguniang Bayan ang hinihinalang suspek sa krimen.

Agad na isinugod sa ospital si Estolloso ngunit binawian din ng buhay, ayon sa kumpirmasyon ng Office of the Chancellor ng Diocese of Kalibo.

Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen.