Ice Seguerra PHOTOGRAPH COURTESY OF FIRE AND ICE MEDIA AND PRODUCTIONS INC.
DYARYO TIRADA

Dalawang bagong kanta ni Ice Seguerra, parating na

DT

“Wag Na Lang Pala” at “Nandiyan Ka” mula sa pinaka-personal niyang album na Being Ice Manila, Philippines – July 16, 2025 — May pa-back-to-back hugot si Ice Seguerra ngayong July 18, 12:00 AM!

Ilalabas na niya ang dalawang bagong kanta: “Wag Na Lang Pala” at “Nandiyan Ka”, mula sa paparating niyang all-original album na Being Ice. For the first time in his career, Ice is releasing a full-length album composed of songs na galing talaga sa puso niya—no covers, no remake, just his own truth.

“I was so afraid to release new songs—lalo na ‘yung ako mismo ang nagsulat,” sabi ni Ice. “What if people didn’t like it? I am a breadwinner, so parang kailangan yung ginagawa ko, siguradong hit. But now, it feels freeing. I love doing acoustic songs pero sa Being Ice, mas nagkafreedom ako to try bew genre. Finally, kaya ko nang gawin ‘to. And for the first time, maririnig ng tao kung ano talaga ‘yung kwento ko.”

Ang “Wag Na Lang Pala” ay co-written with his wife, Liza Diño-Seguerra, and was born from a personal poem. Para ito sa mga taong hindi kayang ilabas ang feelings nila dahil natatakot silang masira ang pagkakaibigan. (Friendship over feelings? Oof.)

“Para to sa mga Friendzoned. Hehe!“Ice added.

Samantala, ang “Nandiyan Ka” ay collab nila ni Jonathan Manalo, ang most-streamed Filipino songwriter and producer na may higit 7.9 billion streams at ranked as the 141st top global music producer. Sabi ng listeners, para raw itong modern version ng “Pagdating ng Panahon.”

Pero this time, tungkol sa pag-ibig na andiyan lang pala… ‘di lang natin nakita. Isang pag-ibig na di masabi. Isang hindi napansin. Ang Being Ice Album ay produced ng Fire and Ice Music, at distributed ng ABS-CBN Star Music.

Ang full album release ay lalabas sa August 8, 2025. Stream “Wag Na Lang Pala” at “Nandiyan Ka” starting July 18, 12:00 AM Pre-save now: https://orcd.co/wagnalangpala-nandiyanka For press inquiries: mediadesk@fireandice.ph Follow @iceseguerra at @fireandicemusic for updates!