Binasag na ni Kyline Alcantara ang tungkol sa masakit na heartbreak na pinagdaanam niya matapos makipaghiwalay kay Kobe Paras.
Nasaktan na sa breakup ay nabatikos pa si Kyline ng netizens.
Sa interview ni Kyline kay Nelson Canlas para sa GMA Integrated News recently na umere sa 24 Oras, sinabi ng dalaga na nasaktan siya sa mga akusasyon sa kanya.
“It hurts. It hurts so much na parang napakadali lang ng mga tao na i-judge ako,” say niya.
Pero mas pinili ng dalaga na huwag magsalita laban sa kanyang mga bashers.
“Because nasaktan mo man ako, I will always show grace, and I will never fight back publicly. And I will never speak up about whatever’s happening in my private life publicly because I do not owe the world my heartbreak, so sa akin ’yon.”
“I know that I’m a public figure, but I’m not public’s property. I will never fight back because alam ko ’yung karma or ’yung revenge manggagaling ’yan sa ating Panginoong Diyos," dagdag niya.
Ayon sa aktres, ang kanyang faith sa Diyos ang nagbibigay sa kanya ng lakas na makapag-move on.
“Si God na po bahala doon because He saw what I didn’t see, He heard what I didn’t hear, so Siya na po ’yun. I just move on,” say niya.