DYARYO TIRADA

Landslide sa Itogon, 117 pamilya apektado

Michael Pingol

Umabot sa 117 pamilya ang naapektuhan ng landslide sa bayan ng Itogon, Benguet bunsod ng malalakas na pag-ulan dala ng bagyong Bising na pinalakas pa ng habagat, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanilang assessment, nasa 211 na indibidwal ang direktang naapektuhan ng pagguho ng lupa, habang 17 pamilya o 64 katao ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Tiniyak ng DSWD na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa local government units (LGUs) upang masiguro na ang lahat ng nasalanta ay maabutan agad ng tulong at suporta.