Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Panukalang pagpapauwi kay Rody, ibinasura ng Senate Bills section

DT · Jun 24, 2025, 4:49 PM

(FILE PHOTO) FORMER president Rodrigo Roa Duterte at the International Criminal Court (ICC)

Naunsyami ang resolusyong inihain ni Senator Robin Padilla na humihiling sa pagpapauwi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa The Hague, Netherlands matapos itong hindi tanggapin ng Senate Bills and Index Section.

Ayon sa Rule 44 ng Rules of the Senate, ang lahat ng inihahaing panukalang batas at resolusyon ay kasabay na nagtatapos sa pagsasara ng Kongreso. Ang kasalukuyang sesyon ay nagtapos na.

Layunin ng resolusyon ni Padilla na iginiit ang soberanya ng Pilipinas at ang karapatan nitong imbestigahan at usigin ang sarili nitong mamamayan. Nilalayon din nitong ipahayag ang "sense of the Senate" para sa pagkakasundo at pagkakaisa ng bansa, at para matuon ang pansin ng gobyerno sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Plano ng senador na muling ihain ang resolusyon sa ika-20 Kongreso, na magsisimula sa Hunyo 30.